+ Impact of VAT Reform on Consumers
  
 
 

"Dagdag gastos pa ba
ako sa VAT "?

 
 Outline
o
Impact on Consumers
oImpact on Oil and Power
oImpact on Small and Medium-Scale Businesses
oImpact on the Poor
 
 
 

"Nauubos ang pera natin pambayad ng utang"

 

Marami sa mga problema ng ekonomiya, nakatali sa utang ng bayan. Sa ngayon, 86% ng kinikita ng pamahalaan, ginagamit pambayad ng utang natin. Kaunti lang natitira para sa pangunahing serbisyo, kaya kailangan natin ng matitinding reporma sa pananalapi. Kabilang dito ang reformed VAT law.

 
 

"Kailangan i-balanse and badyet"

 

Ang reformed VAT ay paraan para maitaas ang kita ng pamahalaan upang matustusan ang mga gastusin nito at nang may matirang pera sa pagawaing bayan at mga proyektong panlaban sa kahirapan.

 
 

"May mga bilihin na di na exempted sa VAT"

 

Dati pa may VAT ang mga maraming bilihin, tulad ng delata, noodles, mantika, damit at iba pa. Sa kasalukuyan, kasama na sa presyo ng mga ito ang VAT.

Pero may ilang produkto at serbisyo na dati ay exempted sa VAT ngunit papatawan na ng VAT. Sa ilalim nitong reformed VAT law, may VAT na ang gasolina at iba pang produkong petrolyo, kuryente, mga serbisyong legal at medical, pati na ang pamasahe sa mga barko at eroplano.

 
 

"Hindi lahat ng presyo tataas"

 

Tataas ng bahagya ang presyo ng mga produktong inalisan ng VAT exemption tulad ng gasoline, diesel, LPG at kuryente. Pero kahit na tumaas ang presyo ng mga ito, hindi dapat tumaas ang presyo ng mga bilihing dati pa may VAT.

Department of Trade and Industry kung may mga nagsasamantala sa VAT para itaas ang presyo ng kanilang paninda.

 
 

"Paano ang mahihirap?"

 

Lahat ay magsasakripisyo, pero ginawa ang lahat para alalayan ang mas kapos-palad. Wala pa ring VAT sa mga pangunahing produkto tulad ng bigas at sariwang pagkain tulad ng isda, gulay at karne. Wala ring VAT and matrikula, libro at diyaryo. Libre rin sa VAT ang upa sa bahay na mas mababa sa P10,000 kada buwan pati na ang pagbili ng low-cost o socialized housing. Wala ring VAT ang paninda ng mga negosyanteng mas mababa sa P1.5M sa isang taon ang benta.

 
 

"Paano masisigurong gagamitin ang kita sa VAT sa tamang paraan?"

 

Bahagi ng koleksyon mula sa VAT ay ilalaan para sa

1. bagong paaralan
2. kalye at patubig para sa magsasaka
3. health insurance para sa kapos-palad
4. programang pangkalikasan

Binabantayan rin ang gastusing pamahalaan upang walang masasayang sa mga hindi mahahalagang gastusin.

Kasabay rin ng reformed VAT, pinaigting ang "Lifestyle Check" at mga programang panlaban sa kurakot sa pamahalaan. Gayundin, patuloy na tutugisin ang mga hindi nagbabayad ng tamang buwis pati na ang mga smugglers upang pangalagaan ang kaban ng bayan.

Kung magtutulungan tayong lahat, makaka-ahon rin tayo.

 
 
Affiliates:
Department of Finance - Queries on VAT, call 524-0607 Department of Trade and Industry - To report abnormal or drastic increase in prices of goods attributed to VAT, call 8977-DTI or 897-7384Bureau of Internal Revenue - Queries on VAT and other BIR-related concerns, call 981-8888Department of Energy - Consumer Welfare and Promotions Office Hotline No. 840-2267
 
Department of Finance
Copyright © 2005 . CMIO-IT/webman